Bakit sa UE?

Page 1 of 2 1, 2  Next

View previous topic View next topic Go down

Bakit sa UE?

Post by 8yrstudent on Fri Mar 18, 2011 4:36 pm

Bakit ka nag-aral sa UE? bakit yan ang course mo?

8yrstudent

Posts : 15
Join date : 2011-03-17

Back to top Go down

Re: Bakit sa UE?

Post by icemint on Thu Jun 23, 2011 8:44 pm

Wala talaga akong plans sa UE mag-aral. Original plan ko was to choose between, CEU, FEU, Lyceum, and PLM.

Nag-inquire ako sa CEU nun then papuntang FEU, dun kami dumaan sa may recto. Habang naglalakad kami sa parang mga stalls ng tindahan. Sabi nya, "eto UE oh"

Nagulat ako, sabi ko pa "Yan na yung UE?" haha, di mo mapagkakamalang school gawa ng harap.

Then pumasok ako, nakita ko na may International studies.

Nagpasked na ako ng exam at nakapasa naman. Tapos nung mageenroll na ako wala na daw IS sabi nung S.A. pili na lang daw ako ng iba. That time namatay si Rico Yan. Eh marketing sya sa La Salle, ayun nagmarketing na din ako, piling ko kasi nung mga panahong yun mamamatay na ako haha.

icemint
Admin

Posts : 1878
Join date : 2009-10-06

Back to top Go down

Re: Bakit sa UE?

Post by japeekoi on Fri Jun 24, 2011 1:31 am

haha!!

talagang me ganun rico yan talaga!!


japeekoi

Posts : 171
Join date : 2011-03-05
Age : 31

http://jhonpatrick.r.opiana@chase.com

Back to top Go down

Re: Bakit sa UE?

Post by julie on Sun Jul 03, 2011 3:57 am

whahaha i still remember bakit ako sa UE nag-aral..na share ko na to sa lumang site eh pero share ko nalang ulit Razz

nung 4th year HS ako may crush ako haha classmate ko sya..medyo close naman kami kasi sya ung pianista ko kapag kakanta ako sa school. then graduation na, magkausap kami sa phone..tinanong ko sya kung san sya mag college..sabi nya mag-iinquire nadaw sila ng mga tropa nya..after a day he called me para sabihin na nakapasa sya sa ue at dun na daw sya mag enroll..ang lola nyo malandi..sabi ko sige mag exam din ako sa ue..ayun nakapasa..then nag enroll na din ako..unang choice ko eh management since un ang usong course..kaso si mudra sabi bakit daw recto eh mas malapit ang ue caloocan samin..haler! eh kaya nga sa recto ako mag-aaral para makita ko pa din crush ko eh..kaya ayun pumili ako ng course na wala sa caloocan kaya b.s. biology ang kinuha ko lol! well, nagkikita nga kami ni crush, minsan pa nagkakasabay kami ng kinakainan..kaso after a year hindi nya kinaya ang ECE kaya ayun nag-transfer ng school at nag nursing! hahaha eh alangan naman sundan ko pa din sya? hehe ayun pinanindigan ko na at tinapos ang course ko Very Happy adik much lang ako dati geek

julie

Posts : 88
Join date : 2009-10-07

Back to top Go down

Re: Bakit sa UE?

Post by rjdato on Mon Jul 04, 2011 6:11 am

napadpad ako sa UE hindi dahil sa mag-aaral ako roon kundi dahil sa trabaho. 2nd year of teaching ko noon,wala akong kabalak-balak umalis sa unang school na pinagtrabahuhan ko.Dahil sa pagkainip kasi wala naman kaming pasok ng bakasyon at wala rin sweldo naisipan namin ng co-teacher ko maghanap ng pwede apalayang school.May nakita ako sa diyaryo pero sa La Salle Araneta.So tinawagan ko yung co-teacher ko then sinabi nya na mayroon din daw sya nalamang hiring,doon nga raw sa UE Caloocan.Gawa kami resume then punta roon sa dalawang school.Nauna naming puntahan ang UE then La Salle.Sabi tatawagan na lang daw.After a week wala pa ring tawag kaya di na ako umasa,isa pa nagsisimula na kami sa unang school ko at halos 1 week na kaming nag-start.Samantalang nandoon ako sa school tinawagan ako ng mommy ko at ang sabi tawag daw ako sa UE Caloocan,pinagrereport daw ako.Nakalimutan sabihin ng kapatid ko na tumawag pala,sabi ng mommy ko i-try mo sayang isa pa university yon.So tawag then inisked ako for exam,interview then demo.Nagdahilan ako dun sa isang school na may importante lang gagawin.Di naman ako nabigo at kinasabaduhan eh nag-resign ako sa una kong school dahil nga tanggap ako sa UE Elementary Department.Although ambisyon ko sana ay high school kaya lang pinagtiyagaan ko na kasi ang layo ng agwat ng salary at work.Since nasa UE ako kaya doon na ako nag-aral ng Masters.Dalawang taon din ako halos sa UE pero sa di inaasahang pangyayari eh nilisan ko rin ito gawa ng ilang mga kadahilanan.Ngunit kung magkakaroon ako ng isa pang pagkakataon na makabalik sa UE upang magturo,di ako magdadalawang isip na balikan ito...

rjdato

Posts : 86
Join date : 2010-03-11

Back to top Go down

Re: Bakit sa UE?

Post by meteorcatcher on Mon Jul 04, 2011 12:14 pm

Sana makabalik ka ss UE sir. Kitang kita naman na mahal mo talaga ang UE. In due time makakabalik ka sa piling ni lualhati. hehe!

meteorcatcher

Posts : 257
Join date : 2011-01-12

Back to top Go down

Re: Bakit sa UE?

Post by rjdato on Mon Jul 04, 2011 12:27 pm

meteor-catcher wrote:Sana makabalik ka ss UE sir. Kitang kita naman na mahal mo talaga ang UE. In due time makakabalik ka sa piling ni lualhati. hehe!

magdilang anghel ka sana attorney!hehe!!!oo mahal na mahal ko ang UE sa kabila ng lahat... Smile))

rjdato

Posts : 86
Join date : 2010-03-11

Back to top Go down

Re: Bakit sa UE?

Post by icemint on Tue Jul 05, 2011 7:07 pm

Marami talagang mahal yan sa UE haha!

Hopefully sir makabalik ka na at maging purong pula na ang dugo mo haha

icemint
Admin

Posts : 1878
Join date : 2009-10-06

Back to top Go down

Re: Bakit sa UE?

Post by rjdato on Tue Jul 05, 2011 7:21 pm

icemint wrote:Marami talagang mahal yan sa UE haha!

Hopefully sir makabalik ka na at maging purong pula na ang dugo mo haha

hahahaha oo naman maraming mahal at minamahal sa UE.haha!sana nga magdilang-anghel ka rin...haha

rjdato

Posts : 86
Join date : 2010-03-11

Back to top Go down

Re: Bakit sa UE?

Post by icemint on Tue Jul 05, 2011 7:27 pm

Iba dila ko sir Rj! Iba ang anyo nito hindi pang anghel haha

icemint
Admin

Posts : 1878
Join date : 2009-10-06

Back to top Go down

Re: Bakit sa UE?

Post by rjdato on Tue Jul 05, 2011 11:51 pm

icemint wrote:Iba dila ko sir Rj! Iba ang anyo nito hindi pang anghel haha

pwede ba makita ang kakaibang dila na yan?haha

rjdato

Posts : 86
Join date : 2010-03-11

Back to top Go down

Re: Bakit sa UE?

Post by doc charlito on Thu Jul 07, 2011 4:08 pm

sa UE kasi yung isa sa pinaka da best na Dental School,,, kaya ako na baliw hehehe
admin nice pic parang angry bird hehehe

doc charlito

Posts : 1
Join date : 2011-07-07

Back to top Go down

Re: Bakit sa UE?

Post by icemint on Thu Jul 07, 2011 5:22 pm

@charles welcome brother, sign ka sa introduction thread sa first board! Welcome tol!

Keep posting!

Nawala yung avatar ko haha

icemint
Admin

Posts : 1878
Join date : 2009-10-06

Back to top Go down

Re: Bakit sa UE?

Post by rijenriyu on Tue Jul 12, 2011 1:23 am

Noong nag punta kasi ako sa UE iba yung pakiramdam ko ang gaan na di mapaliwanag haha.Tapos ayun yung tita ko kasi grad. din ng UE tapos ang dami niya sa akin na kinukwento tungkol sa UE Kaya ayun na engganyo na kong mag UE.Tungkol sa course ko magulang ko ang pumili,gusto ko kasing mag tourism o kaya legal management yun nga lang ayaw ng nanay at tatay ko mas maganda daw kung mag IT na lang ako ayun pinag IT nila ako LOL.

rijenriyu

Posts : 1
Join date : 2011-01-09

Back to top Go down

Re: Bakit sa UE?

Post by icemint on Tue Jul 12, 2011 2:18 am

Welcome sa UE Red Tribe Forum rijenriyu!

Enjoy and keep posting!

icemint
Admin

Posts : 1878
Join date : 2009-10-06

Back to top Go down

Re: Bakit sa UE?

Post by meteorcatcher on Tue Jul 12, 2011 12:26 pm

Welcome sa Red Tribe rijenriyu!

Pareho tayo ng case, nung first year college ako Finance Dapat kukunin ko kaso gusto ng parents ko mag Comp. Scince ako, ayun dun ako napunta. Pero advice lang bro kung hindi ka nag eenjoy dyan sa Course mo or kung hindi ka nag eexcel hanggat maaga pa lumipat ka na dun sa gusto mo talagang course. Pero kung okay ka naman dyan, go on.

meteorcatcher

Posts : 257
Join date : 2011-01-12

Back to top Go down

Re: Bakit sa UE?

Post by 8yrstudent on Wed Jul 13, 2011 12:50 pm

fist choice ko was UP for BS Biology but i failed the exam. since interested din naman ako sa computer and sa UE din naman ako HS graduate, nag-enroll ako sa CCSS.

8yrstudent

Posts : 15
Join date : 2011-03-17

Back to top Go down

Re: Bakit sa UE?

Post by Shady19 on Sat Aug 27, 2011 7:20 pm

First choice ko talaga sa FEU, kaso lang nung mg iinquire na kami, wala na raw slot para sa Accountancy, for 2nd sem na raw. Alangan naman mgstop pa ko, so no choice, either PSBA or UE. Kaso lang mas mukhang maliit ang campus ng PSBA, kaya dun nlang ako sa UE. Dati sabi ko pa nga ayoko tlaga sa UE, para kseng bulok, sa facilities, sa uniform, etc. Well, ngkamali ako, this school is one of the best. Nung ng take ako ng board exam, home court advantage pa, walang pressure, parang quiz lang ang pakiramdam.

Shady19

Posts : 7
Join date : 2011-08-26
Location : Makati

Back to top Go down

Re: Bakit sa UE?

Post by icemint on Sat Aug 27, 2011 10:26 pm

Ayos! Parang quiz lang hehe. So I believe you are a CPA na?

icemint
Admin

Posts : 1878
Join date : 2009-10-06

Back to top Go down

Re: Bakit sa UE?

Post by Shady19 on Sun Aug 28, 2011 2:26 am

icemint wrote:Ayos! Parang quiz lang hehe. So I believe you are a CPA na?

yup, more than 3yrs narin ako sa SGV & Co. Madaming partner sa sgv na UE grad, sana nga mgkaron nrin ng OJT ang mga BSA natin dun..

Shady19

Posts : 7
Join date : 2011-08-26
Location : Makati

Back to top Go down

Re: Bakit sa UE?

Post by icemint on Mon Aug 29, 2011 11:44 am

Yup it's been a turf of UE since the glory days of UE Accountancy program.

icemint
Admin

Posts : 1878
Join date : 2009-10-06

Back to top Go down

Re: Bakit sa UE?

Post by mokong on Wed Aug 31, 2011 12:24 pm

Center of Development kasi ang UE non.. nag try din ako sa FEU-east asia kaso weird ang mga TAO dun..

mokong

Posts : 54
Join date : 2009-10-20
Age : 25

Back to top Go down

Re: Bakit sa UE?

Post by vinj.cheng on Thu Oct 13, 2011 12:08 am

ako nman dapat sa letran ako magaaral.. law tlga ako habol ko kaya naghahanap ako ng pre-law course.. economics ang kinuha ko sa letran kaso sabi ng high school teacher ko magulo daw ung course na yun kaya naghanap ako ng ibang course. nagtanong ako sa pinsan ko n CPA sabi nya mag accounting na lang daw ako, recommend nya either PSBA or UE.. dahil dun lang naman daw maganda ang Accountancy.. nung nakita ko ang PSBA parang hindi college kasi isang building lang, so nag UE na lang ako malaki pa ang campus.. nakasama pa ko sa pioneering class ng Management Accounting, originally its called Accounting Information Technology.. hehe

vinj.cheng

Posts : 12
Join date : 2011-10-09

Back to top Go down

Re: Bakit sa UE?

Post by icemint on Thu Oct 13, 2011 10:51 am

Yo wassup Vinj.cheng! Nice story. Hope UE can regain its lost glory in the field of Accountancy.

Kilala mo sila Acel Daban at Christine Gutierrez? Mga MGA din mga un. Welcome sa UE Red Tribe Site.

Keep posting!

Like the UE Red Tribe Fan page na din sa FB hehe

icemint
Admin

Posts : 1878
Join date : 2009-10-06

Back to top Go down

Re: Bakit sa UE?

Post by icemint on Sat Dec 10, 2011 12:00 am

Just saw this sa cubicle ng isa naming boss sa Unilab, si Rey Dalupan, hindi ko alam kung anak o apo sya ni Francisco Dalupan pero loyal na loyal sya sa UE.

Pinaskil nya sa cubicle ang isang printed photo ng Old Dalupan Hall, nung ang UE ay PCCBA pa..


[You must be registered and logged in to see this image.]

[You must be registered and logged in to see this image.]

icemint
Admin

Posts : 1878
Join date : 2009-10-06

Back to top Go down

Re: Bakit sa UE?

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Page 1 of 2 1, 2  Next

View previous topic View next topic Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum