Na-in LOVE ka na ba sa BEST FRIEND mo???

View previous topic View next topic Go down

Na-in LOVE ka na ba sa BEST FRIEND mo???

Post by rjdato on Fri Jan 14, 2011 5:02 am

eto yung isang topic sa old RT site na isa sa mga dati kong pinost...anyway eh nais ko lang balikan.Bagama't alam kong maraming bumatikos dito dahil nga sa iba't iba nating pananaw eh gusto ko lamang pong ibahagi ang karanasan ko tungkol dito...

High School pa ako that time ng makilala ko ang isang guy na eventually turned to be my bestfriend.Na-meet ko itong guy sa church when he undergo indoctrination.Isa ako sa mga nagseserve ng food noon para sa mga umattend ng said event.Then nakita ko nga siya wearing Tshirt,maong pants, & cap.Ewan ko ba pero iba agad impact sa akin nung guy na yon.Nahihiya pa nga siya kumuha nung food pero napilit ko rin at nakagawa ako ng move para makakwentuhan ko siya.Nalaman ko nga na kasama pala siya nung isa kong co-choir member from other locale of our church.Di rin gaano nagtagal ang usapan,almost 15 nights ko rin syang nakita noon at became one of our church member.After nun hindi ko na siya nakita dahil sa ibang locale sya umaattend dahil mas malapait sa bahay nila.Nagkaroon lang ng instansya na may meeting ang lahat ng choir members ng church namin sa Valenzuela.Doon ko siya ulit nakita,nagkamustahan at nakatutuwa dahil magkakasama ulit kami para sa isang competition.Hehe masaya ako nun kasi naisip ko na mas makikilala ko pa yung taong yun.Ganoon nga ang nangyari,nadagdagan pa nga kasi nakapartner ko siya sa iba pang competition kaya mas nakilala ko siya nang lubusan.Doon ko nalaman na ECE pala ang course nya na gusto ko sanang kunin dati dahil yun ang gusto ng tatay kong course para sa akin.Pero isa sa naka-catch na atensyon ko eh marunong pa lang tumugtog ng gitara ang taong yun.Lalo pang tumibay ang pagkakaibigan ng maging magkasama na talaga kami sa choir ng CAMANAVA area.Sabay kami araw-araw umuuwi galing sa practice at events dahil same way tapos na-aasign pa kami pareho ng tuturuang choir sa isang lugar lang.Naaalala ko pa na minsan eh sa bahay namin sya nag-stay para sabay kami punta sa practice.Napalapit din sya sa parents ko at para ko pa siyang naging kuya.Lalo na't wala naman siyang kapatid na lalaki at ako naman walang mas nakatatandang kapatid na lalaki.Siya rin ang nagpumilit sa akin dati na mag-globe akong sim kasi globe sya para mas madali nya raw ako ma-contact.Hindi pa naman open line yung cellphone ko nun kaya siya rin ang gumawa ng paraan para ma-open.Kapag may problema ako nun personal at financial eh to the rescue lagi yun.Kaya nga't di kataka-takang itinuring ko syang bestfriend,sinabi ko nga yun sa kanya eh.hehehe!!!Halos lima o anim na taon ding nakasama ko sya kaya't napamahal siya sa akin at naging ideal guy ko pa.Natapos lang ang lahat ng malipat na siya sa ibang grupo,although nakakapag-usap pa rin kami eh di na sobrang close tulad ng dati.Pero masasabi ko lang na siya rin ang first love ko at para bang nakaukit na sa puso kahit na maramaing imposible lalo na't any moment eh ikakasal na sya.Kahit may halong pagkamartir,masaya ako kasi doon ko napatunayang mahal ko talaga ang bestfriend ko dahil hinayaan ko siya kung saan sya mas maligaya... Smile



avatar
rjdato

Posts : 86
Join date : 2010-03-11

Back to top Go down

Re: Na-in LOVE ka na ba sa BEST FRIEND mo???

Post by scooby on Fri Jan 14, 2011 8:25 am

Hindi.

Pinaka weird na siguro yung inofferan ako na maging "best friend" daw kami nung binasted ko siya. lol! affraid

I didnt worked out, kagaguhan lang yun. cyclops

Sinakyan ko na lang yung gusto niya para hindi naman masyadong mapahiya sa mga kakilala namin.
avatar
scooby

Posts : 46
Join date : 2011-01-06

Back to top Go down

Re: Na-in LOVE ka na ba sa BEST FRIEND mo???

Post by julie on Fri Jan 14, 2011 2:26 pm

hindi ako naiinlove sa mga friendships lol! ang tropa ay tropa afro

minsan pa nagiging crush ko tapos nawawala na kapag magkaibigan na ami..ewan ko ba kung bakit haha
avatar
julie

Posts : 88
Join date : 2009-10-07

Back to top Go down

Re: Na-in LOVE ka na ba sa BEST FRIEND mo???

Post by KENGCHU on Fri Jan 14, 2011 2:32 pm

Hindi ko lubos maisip na maiinlove ako sa best friend ko. No alien kaderder. HAHA di namin type ang isa't isa. Smile) Saka alam namin yung kalokohan ng isa't isa kaya eww na, no-no talaga. lol!
avatar
KENGCHU

Posts : 72
Join date : 2009-10-13

Back to top Go down

Re: Na-in LOVE ka na ba sa BEST FRIEND mo???

Post by scooby on Fri Jan 14, 2011 9:48 pm

julie wrote: lol! ang tropa ay tropa afro

m


TAMA! bounce
avatar
scooby

Posts : 46
Join date : 2011-01-06

Back to top Go down

Re: Na-in LOVE ka na ba sa BEST FRIEND mo???

Post by KENGCHU on Fri Jan 14, 2011 10:56 pm

scooby wrote:
julie wrote: lol! ang tropa ay tropa afro

m


TAMA! bounce

OO NGA!!! afro elephant pirat cyclops
avatar
KENGCHU

Posts : 72
Join date : 2009-10-13

Back to top Go down

Re: Na-in LOVE ka na ba sa BEST FRIEND mo???

Post by rjdato on Sat Jan 15, 2011 1:00 pm

yup tama kayo dyan...anyway once lang naman at tinigilan ko na.haha
avatar
rjdato

Posts : 86
Join date : 2010-03-11

Back to top Go down

Re: Na-in LOVE ka na ba sa BEST FRIEND mo???

Post by scooby on Sat Jan 15, 2011 2:32 pm

basag! lol!
avatar
scooby

Posts : 46
Join date : 2011-01-06

Back to top Go down

Re: Na-in LOVE ka na ba sa BEST FRIEND mo???

Post by rjdato on Sat Jan 15, 2011 2:49 pm

ouch!hehe!

naibahagi ko lang naman...
avatar
rjdato

Posts : 86
Join date : 2010-03-11

Back to top Go down

Re: Na-in LOVE ka na ba sa BEST FRIEND mo???

Post by jericho060466 on Thu Feb 03, 2011 11:49 pm

Hindi ah lalaki kasi sya lol Razz Razz Razz
avatar
jericho060466

Posts : 13
Join date : 2009-10-05

Back to top Go down

Re: Na-in LOVE ka na ba sa BEST FRIEND mo???

Post by jey_r1015 on Fri Mar 11, 2011 1:07 am

Hindi pa. Pero na-inlove na sakin yung bestfriend ko before. hehe
avatar
jey_r1015

Posts : 14
Join date : 2011-02-21

Back to top Go down

Re: Na-in LOVE ka na ba sa BEST FRIEND mo???

Post by icemint on Sat Mar 12, 2011 1:38 pm

naks yun oh..

di ko pa naranasan to, wala pa akong nagiging bestfriend na babae eh..
avatar
icemint
Admin

Posts : 1887
Join date : 2009-10-06

Back to top Go down

Re: Na-in LOVE ka na ba sa BEST FRIEND mo???

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

View previous topic View next topic Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum